Categories
Uncategorized

Paano nakakaapekto ang pagtaas ng bilihin sa Sta. Maria Public Market sa mga mamamayan ng Sta. Maria?

Isang malaking problema na naman ang pagtaas ng bilihin sa mga pampublikong pamilihan para sa mga mamamayan. Naitala noong Hunyo 2018 ang pinakamataas na inflation sa buong bansa. Sa tuwing tumataas ang mga bilihin ay nawawalan ng kapasidad ang ilang mamamayan sa pagpuno ng kanilang mga pangangailangan.

Isa ang bayan ng Sta. Maria Bulacan sa naapektuhan ng pagtaas ng mga bilihin. Ang mga pangunahing naapektuhan nito ay ang mga nagtitinda at mamimili. Isa ang Sta. Maria Public Market sa mga malalaking pamilihan sa lungsod ng Bulacan.

Ako ay mayroong nakapanayam na isa sa mga naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin na si ginoong Alvin Dela Cruz. Ayon sa aking panayam kay Alvin Dela Cruz, labis umano na nakakaapekto sa mahirap ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Marahil ay mas maliit ang sahod nila kaysa sa iba.

Tumataas nga ang presyo ng mga bilihin ngunit ang sahod ng mga mamamayan ay nananatiling maliit lalo na sa mga ordinaryong mamamayan ng Sta. Maria Bulacan. Marahil sa ito ay probinsya hindi nabibigyan ng mataas o sapat na trabaho ang mga mamamayan. Kaya naman kapag tumataas ang presyo ng mga bilihin ay labis silang naaapektuhan.

25 replies on “Paano nakakaapekto ang pagtaas ng bilihin sa Sta. Maria Public Market sa mga mamamayan ng Sta. Maria?”

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started